Labing-limang minuto bago mag alas-diyes ng umaga. Kung hindi sa dyip ay sa bus ako nakasakay at bababa sa Philcoa. Pihadong tatakbo ulit ako sa overpass. Minsan na akong napagkamalang mandurukot dahil sa mabibigat kong hakbang dala ng pagmamadali. Kaya sa mga sumunod kong marathon, sinisigurado kong hindi na magiging maingay, hindi hahangos at lalong hindi hahakbang na angkop sa ‘king bigat. Samakatwid, hindi dapat maging tao sa overpass.
Minsan na rin kasi akong nakaranas ng hampas. Buti na lang mabilis akong nakailag. Paranoid yun, nakaramdam lang na may tumatakbo sa likuran niya, pakiramdam ay nanakawan na siya. Tinapunan pa ako ng matalas na tingin na animo’y tunay akong mandurukot. Sa itsura naman niya, kung ako ang mandurukot, wala akong balak na taluhin siya.
Labing-tatlong minuto na lang. Nakaakyat na ako sa hagdan. Lahat nagmamadali. Katulad ko, ayaw ring mahuli. Maraming mukha, pero may ilan akong nakikilala. Madalas ko kasing makasalubong sa mga overpass gaya nito. Sa St. Peter ba? sa Litex o sa Batasan? Di ko lubos maalala. Basta may hawak na lata at nakaupo sa gitna. Di ko alam kung pamilyar ba ako sa kanila. Basta sigurado akong lagi ko silang nakakasalamuha.
Sampung minuto. Nakasakay na sa dyip at bumabagtas papasok sa UP. Nainis naman ako. Itong mga taong nakikita ko, wala nang ginawa kundi magmasid mula paa hanggang ulo. Pakiramdam ko nakakasakop sila ng pribadong espasyo. Mga manghuhusgang wala naman sa husgado. Pero pakialam ko. Nagmamadali nga ako.
Marami nang nagbabaan, marami ring pumalit sa mga upuang iniwanan. May mga nag-uusap, may mga nagsisibasa. Naalala ko bigla ang mga tore ng librong iniwan ko. Dapat ko pang matapos ang mga iyon.
Pitong minuto, lima, tatlo. Nasa tapat na ako ng gusaling paroroonan. Ang aking mga paa’y hakbang na lang ng hakbang. ‘Di na naghihintay ng dikta ng isipan. Panaka-naka mang natatapilok dahil sa ngumangawang panyapak, patuloy pa rin sa pagkaripas. Iniisip ang magiging mas malalang kalagayan ‘pag di nakapasok sa pinto sa tamang oras.
Ilang Segundo pa bago mag-alas diyes nang makapasok ako sa pinto. Walang nabago sa iniwan ko. Dahil hindi ako nahuli, may dinatnan pa akong puwesto. Nawala ang aking pagod nang sa wakas ay nakaupo na sa trono.
Gaya ng nakasanayan, ito na, sisimulan ko nang muli ang pangongopya.
My Blog List
Search This Blog
Wednesday, February 3, 2010
Tuesday, February 2, 2010
untitled
The peasant says: “The land is God’s, the land is the people’s, the land is nobody’s.” The “divisionists” tell us that the peasant says this without realising what he is saying; that he says one thing and means another.
You want to transfer the land to the people? Excellent! But what does transferring the land to the people mean? Who controls the people’s wealth and the people’s property? The government officials, the Trepovs.
Hence-we will explain to the peasants- if the land is to be transferred to the whole people in a way that will benefit the peasants, it is necessary to ensure that all government officials, without exception are elected by the people.
Minutes of the Unity Congress of the R.S.D.L.P., Vol 10, p.287
Upon reading the passage, I can’t help but to glance back on the history of our country. I know that during the pre-Hispanic times, everything is communal. In a primitive Filipino community, no one claimed to own a certain land for example, for everything is shared, and everything is everybody’s own. Not until the Hispanic time when the colonizers started to spread the feudal culture. From this culture as root, Encomienda then Hacienda system sprouted. The specialization of the crops to be planted, the ownership of big mass of land of a small group of people, which usually is a single family/clan, the continuous exploitation of the peasants and the like have been long experienced by most of our folks.
Philippines is undeniably an agricultural country, and it is not surprising to know that 75% of its population are farmers. The land plays a crucial role in a Filipino’s life. It is where life begins, sustained, and if there’s a need, is ended. The peasant sector of our society who owns nothing but farming skills comprises most of our population and in the lowest part of the social triangle. They were oftenly workers found in haciendas and it is, logical to think that those who are in the higher part of the social strata were continuously taking advantage on them.
These people were oftenly deprived with the most basic social services like education and health benefits which any Filipino must be experienced. As a result, most born being a peasant usually dies to be one. This makes them stagnant and was stigmatized to be ignorant.
It is blatant that most of the officials of our government were landlords. With this case, laws which will aim for the betterment of the peasants at the expense of their WEALTH were impossible to be passed and regulated.
According to the last line of the passage, it is necessary to ensure that all government officials, without exception are elected by the people. It is timely because of the coming national elections, with the loop-holed Automated Election System as a side-dish. Choosing the right person in the right position is already a problem. And now, after attending a Voter’s education regarding the process of AES, flaws of the result for the incoming election is for sure. The machines vulnerability on manipulation, plus the program malfunction and the sort will not ensure a more valid and correct counting and canvassing compared to the process of human clerical intervention on automation which for how many years was used.
At this point when the Philippine society is at the verge of insanity caused by the exploiters which happen to be our countrymen from the higher social class, it is most important to be critical. The genuine spirit of service amongst the vying politicians is hard to unravel. Electing politicians not merely in their ultra-exposure on advertisements in all forms of media and being censorious with it will help much, for sure.
We live with the law and with control of the leaders of our society. Choosing the right leaders, and ensuring that the coming elections will bear a veracious result-this will surely lead to a better society from desirable governance based on true public service.
Monday, January 4, 2010
Makamasang Wika Bilang Sandata
Sa panahong nasa maigting nang antas ng kapitalismo ang nararanasan ng mga mamayan sa buong daigdig, ang kalagayan ng bawat bansa ay labis na naaapektuhan, isa rito ang Pilipinas. Bilang bansang may etiketang "ikatlong daigdig", mahabang panahon na tayong nananatiling maraming hakbang mula sa likod ng mga imperyalistang bansa. Hawak tayo sa leeg ng mga imperyalista, hawak nila ang ating buhay, paglago, at pagkatuto. Bilang bansang kinakatasan ng mga hilaw na kasangkapan, nagiging tambakan ng mga labis na produkto at nangungunang biktima ng pang-ekonomiyang hidwaan ng daigdig, ang pag-unlad ng bawat mamamayan ay nahahadlangan. Kaakibat nito ang historikal na paglago ng bilang ng mga taong nananatili sa mababang uri ng lipunan, na nabibigyang depinisyon ng estadong pang-ekonomiya.
Sa pagtutukoy ng makamasang wika sa Pilipinas, iisa at iisa lamang ang lalabas na kasagutan, ang Filipino. Tukoy ang Filipino bilang makamasang wika bilang ang masa (nakararaming bilang ng tao), o sangkalakhan ng ating populasyon ay gumagamit at nagkakaintindihan gamit ang wikang nabanggit.
Hindi maikakailang alipin ang ating ekonomiya, pulitika at kultura ng mga Imperyalista, kung kaya ang ating pangunahing industriya ay hindi para sa ikauunlad ng ating bayan, kundi nila, ang batayan ng pamumuno ay hindi para sa kapakanan ng mamayan sa 'ting bansa ngunit para sa kapakanan ng iilan sa ibang bayan. Nakababahalang halos lahat ay nahuhumaling na rin sa kulturang impe at dayuhan kung kaya ang pagbubuklod natin bilang bayan ay hindi maisakatuparan, halimbawa ay ang indibidwalistang kulturang dala ng "ako mismo" na ang malinaw na hangad lang naman ay kapital. Kung tutuusin, sa bandang huli, hikaos man o mayaman, tamang pagkakaintindihan ang tanging kailangan para matuldukan ang pansasamantalang ating nararanasan hanggang sa kasalukuyan. Sa persona ng ating wika, natutukoy ang kasagutan, ngunit ang hamon ng pag-aksiyon at paraan ng paggamit nito bilang punglo ng ating armas ay nananatiling isang malaking katanungan.
Mahal ang Filipino
Ikalawang araw ng taon ang una kong paglabas (na sa ‘king termino ay paglalakwatsa). Sa pag-iikot sa Gateway, napapasok ako sa tindahan ng Fully Booked. Maraming aklat ang lubos na nakapukaw ng aking pansin. Mga nobela, istorya, at iba’t-iba. Pagdating naman sa Filipiniana Section ng tindahan, napukaw ang aking pansin ng isang aklat na pinamagatang “Mga Atraso ni Erap”, katipunan ito ng mga editorial at mga kolumn ng diyaryo hinggil sa ating dating Pangulong Estrada na kritisismo sa panahon ng kaniyang panunungkulan. Natuwa akong bulkatin ang aklat na halatang nagdaan na sa maraming pares ng mga kamay, ngunit nanatiling hindi binibili sa kabila ng mura nitong presyong Dalawandaang Piso. Sa kabila ng pagkatuwa sa aklat, nabaling naman ang aking atensiyon sa isang aklat. “Ano ‘yon, Ano ‘yan? The whats and whys of being a Fiipino” ni Cynthia Sta. Maria Baron ang titulo ng aklat. Isa itong diksiyunaryo na nagbibigay ng kahulugang Ingles sa mga Filipinong salita.
Sa aking pagbasa sa mga unang dahon ng aklat, binasa ko ang mga kahulugang ibinigay ng may-akda sa bawat salita, pati na ang pagbibigay nito ng introduksiyon sa A na unang letra sa ating alpabeto. Ganito ang kanyang pagkakasulat:
The Letter A
In Filipino, the letter A is pronounced like the English A. But the words that have the letter A are mostly pronounced like the A in arm, not the short A in apple. It’s like saying ah!
Aba [ah-bah] an expression of surprise or indignation. It is usually uttered by an older, wiser person to someone younger, less experienced. First of many words your grandmother could say when you, at 35, tell her you are old enough to live your own.
Sa ‘king palagay, napapalayo ang konteksto ng kahulugan ng isang salita sa pagdadagdag pa ng mas marami pang mga salita, depinisyon o ideya. Sa kabilang banda naman, may bago akong natutunan sa librong nabanggit. Nalaman kong ang jerjer (na matagal nang nagagamit pangkahulugan sa salitang pagatatalik) ay isa palang salitang Bisaya na halaw sa salitang Ingles na sa Bisaya, ang kahulugan ay pareho sa aking nalalaman. Sa maraming taon, pinaniwalaan kong ang salitang ito'y kolokyal at kahanay ng iba pang salitang naririnig sa araw-araw tulad ng chorva, ek-ek, chenes, at iba pa na umusbong mula sa paglalaro natin ng mga salita. Mga salitang karaniwa'y impormal napapangahulugan, mga kahulugang napagkasunduan lamang ng iilan at masasapit sa pagpapasa sa pagdaan ng panahon. Magandang basahin ang mga aklat na akda ng ating mga kababayan para mas maging pamilyar sa 'ting sariling wika. Sayang nga lang at sobrang sandali lamag ang panahon ko upang makaniig ang aklat. Nais ko mang bilihin, hindi ko makakaya bilang limandaang piso ang halaga ng aklat. Kailangan munang mag-ipon.
Sa halagang iyon, maraming nobela na ang aking mabibili sa mga book sale, na kadalasa'y Ingles. Dahilan ng pagkawalay ng ilang Pilipinong mambabasa sa akda ng kanilang mga kababayan, higit doon ay ang pagkawalay sa lubos na pagkatuto sa sariling wika. Wika sa Pilipinas at Daigdig
Sa mga kaisipang inilahad ni Nicholas Ostler sa babasahing Languages Today and Tomorrow, nais kong bigyan ng pansin ang pagbanggit niya sa iba't-ibang naging kalagayan ng iba't-ibang wika, gaya ng naging kalagayan ng wikang Latin na hindi naging matagumpay sa pananatili dahil sa pagkawala ng populasyon ng mga taong gumagamit ng nasabing wika. Sa pagsasakonteksto ng kaganapang ito sa Pilipinas, maaaring ang wikang Tagalog ay nagtamo ng parehong karanasan sa Latin. Maaaring ito'y ganap nang (o kung ganap man) hindi ginagamit sa kasalukuyan ngunit sa kabilang banda'y mayroong bago o modernong porma ng wika na ginagamit ng mga Pilipino sa kasalukuyan, ito ay ang Filipino na hindi maikakailang wikang Tagalog rin ang pinaghugutan. Sa usaping Latin, kasalukuyang ginagamit naman ang mga kapatid nitong wika gaya ng Espanyol, Aleman at Ingles, na kasalukuyang naghaharing wika sa daigdig.
Mapapansin rin ang hayag at diretsong paglalahad ni Ostler ng kasalukuyan at hinaharap ng wikang Ingles na sinasabing naghaharing wika sa kasalukuyan hanggang sa mga sususnod na panahon. Inilahad na ang nasabing wika (at ang French) ay may kaakibat na kapangyarihan, simbulo ng denominasyong kolonyal at higit sa lahat ay susi ng pagkakaroon ng partisispasyon sa globalisasyon dahil sa kulturang moderno at popular. Sa konteksto ng Pilipinas, hayagan ang ganitong katayuan ng wikang Filipino, na sa mahabang panahonay pinaniwalaan at pinaniniwalaang wika ng mga edukado, ng mga pantas bilang ang sentro ng kapangyarihan sa 'ting bansa sa ngayon ay sa kamaynilaan. Ngunit hayag rin na di hamak na mas nakararami ang gumagamit ng wikang Cebuano dito sa ating bansa. Sa ganitong punto pumapasok ang usapin sa kalagayan ng Mandarin Chinese bilang wika. Di hamak na mas marami ang bilang ng mga gumagamit ng wikang Mandarin kung ikukumpara sa mga gumagamit ng Ingles, kung kaya sa paglipas ng panahon, maaaring malagay ang Mandarin sa kasalukuyang katayuan ng Ingles, na posibleng maging karanasan rin ng wikang Filipino at Cebuano sa hinaharap.
Sa ideya rin na ang wika ay maaaring magkaroon ng halaw o bagong porma na ang batayan ay ang lugar ng pagkatuto ay lubos ko ring sinasangayunan. Sa probinsiya ng aking mga magulang, sa aming mga pagbisita roon, napansin kong ang mga batang pumapasok sa eskwelahan lamang ang matatas sa pagsasalita at pag-unawa ng wikang Filipino. Bhagya mang naaapektuhan ang tono ng kanilang pananalta, pagbabaybay at pagbibigay kahulugan ay may bahagyang pagkakaiba sa mga batang namulat at natuto sa mga siyudad ng Kamaynilaan. Kadalasan kasi'y napaghahalo nila ang wikang una nilang natutunan sa wikang Filipino. Kung tutuusin, karamihan sa mga tao sa probinsiya ay sa eskwelahan lamang ginagamit at mas natututunan ang wikang Filipino kaya't hindi lahat ay marunong gumamit nito. Sa kalagayang ito, ang hilagyo ng lugar at antas ng pagtuturo sa mga paaralan bilang institusyon ay natutukoy.
Sa mga nakaraang babasahin hinggil sa wika, kapansin-pansin ang magkaibang atake ng dalawang may-akda (Nicholas Ostler at David Crystal) sa paglalahad ng mga kalagayan ng wika. Si Crystal ay mas natuon sa pagbibibigay at paglalatag ng mga kaalamang napag-aralan na at napatunayan na ng ibang mga linggwistiko at siyentipiko. Kapansin-pansin na walang kamalayan na nanggaling sa may-akda. Habang si Ostler naman ay hayagang tumumbok sa mga kaisipang kanya mismong napag-aralan at naanalisa. Sa mga ideyang nais ipaunawa ng mga manunulat, ang hiwaga ng tunay na kahihinatnan ng mga wika ay tunay paring palaisipan- mawala, hahalawan at panggagalingan man ito ng bagong wika o hindi magbabago sa matagal na panahon.
Mapapansin rin ang hayag at diretsong paglalahad ni Ostler ng kasalukuyan at hinaharap ng wikang Ingles na sinasabing naghaharing wika sa kasalukuyan hanggang sa mga sususnod na panahon. Inilahad na ang nasabing wika (at ang French) ay may kaakibat na kapangyarihan, simbulo ng denominasyong kolonyal at higit sa lahat ay susi ng pagkakaroon ng partisispasyon sa globalisasyon dahil sa kulturang moderno at popular. Sa konteksto ng Pilipinas, hayagan ang ganitong katayuan ng wikang Filipino, na sa mahabang panahonay pinaniwalaan at pinaniniwalaang wika ng mga edukado, ng mga pantas bilang ang sentro ng kapangyarihan sa 'ting bansa sa ngayon ay sa kamaynilaan. Ngunit hayag rin na di hamak na mas nakararami ang gumagamit ng wikang Cebuano dito sa ating bansa. Sa ganitong punto pumapasok ang usapin sa kalagayan ng Mandarin Chinese bilang wika. Di hamak na mas marami ang bilang ng mga gumagamit ng wikang Mandarin kung ikukumpara sa mga gumagamit ng Ingles, kung kaya sa paglipas ng panahon, maaaring malagay ang Mandarin sa kasalukuyang katayuan ng Ingles, na posibleng maging karanasan rin ng wikang Filipino at Cebuano sa hinaharap.
Sa ideya rin na ang wika ay maaaring magkaroon ng halaw o bagong porma na ang batayan ay ang lugar ng pagkatuto ay lubos ko ring sinasangayunan. Sa probinsiya ng aking mga magulang, sa aming mga pagbisita roon, napansin kong ang mga batang pumapasok sa eskwelahan lamang ang matatas sa pagsasalita at pag-unawa ng wikang Filipino. Bhagya mang naaapektuhan ang tono ng kanilang pananalta, pagbabaybay at pagbibigay kahulugan ay may bahagyang pagkakaiba sa mga batang namulat at natuto sa mga siyudad ng Kamaynilaan. Kadalasan kasi'y napaghahalo nila ang wikang una nilang natutunan sa wikang Filipino. Kung tutuusin, karamihan sa mga tao sa probinsiya ay sa eskwelahan lamang ginagamit at mas natututunan ang wikang Filipino kaya't hindi lahat ay marunong gumamit nito. Sa kalagayang ito, ang hilagyo ng lugar at antas ng pagtuturo sa mga paaralan bilang institusyon ay natutukoy.
Sa mga nakaraang babasahin hinggil sa wika, kapansin-pansin ang magkaibang atake ng dalawang may-akda (Nicholas Ostler at David Crystal) sa paglalahad ng mga kalagayan ng wika. Si Crystal ay mas natuon sa pagbibibigay at paglalatag ng mga kaalamang napag-aralan na at napatunayan na ng ibang mga linggwistiko at siyentipiko. Kapansin-pansin na walang kamalayan na nanggaling sa may-akda. Habang si Ostler naman ay hayagang tumumbok sa mga kaisipang kanya mismong napag-aralan at naanalisa. Sa mga ideyang nais ipaunawa ng mga manunulat, ang hiwaga ng tunay na kahihinatnan ng mga wika ay tunay paring palaisipan- mawala, hahalawan at panggagalingan man ito ng bagong wika o hindi magbabago sa matagal na panahon.
Saturday, December 12, 2009
pagkamamamayan
Ilang taon na rin ang inilagi ko sa unibersidad. Sa mga nakaraang taon ko bilang kabilang sa sangkalakhan ng mga estudyanteng nadikit na sa pangalan ang prestihiyoso at pamosong reputasyon ng UP, tunay na lubos akong nakikinabang sa mataas na tingin ng mga tao magmula nang makapasa ako sa UPCAT. Magmula noon hanggang sa kasalukuyan, pilit ko paring sinusumpungan ang aking malaking gampanin sa lipunang aking pinanggalingan at kinabibilangan.
Lumaki akong isang batang simbahan, bilang isang lider-kabataan at miyembro ng mang-aawit sa misa. Ang aking ina ay maigting na mananampalataya at matulungin sa aming parokya (simbahan). Sa madaling sabi, pinalaki ako ng aking mga magulang na may takot sa Diyos, mapagmahal sa kapwa at lubos na ibinabahagi sa kapwa at komunidad ang anumang mayroon ako (lakas paggawa man, oras, kakayahang mental at kung minsan ay pinansiyal). Ngunit ang tunay na hilagyo ng pagkamamamayan, pagkamakabayan, at pagka-iskolar ng bayan ay patuloy ko paring pinagninilayan, sinusubok ang mga paraang maaaring makapagbigay sa akin ng kasagutan, maging ito man ay mapangahas.
Ang pagdagdag ng aking edad sa tingin ko’y sumasalamin rin sa aking makabuluhang paglago bilang tao, at paglago ng aking pagkatao. Bilang isang aktibong miyembro ng aming parokya, hindi na mabibilang kung gaano kahaba na ang mga panahong hindi ko ipinagkait sa ngalan ng pagsisilbi sa simbahan at sa mamamayan. Ang pagtulong sa pagoorganisa ng aming komunidad bilang lider-kabataan, pagtuturo sa mga batang hindi mabilis na nakakaunawa sa mga lektyur na pinag-aaralan, paglilinis ng simbahan at ng mga kalsada sa mga “clean-up drives”, mga pagsabak at pagiging parte ng mga operasyon lalong-lalo na sa pagbayo sa mga tao at mga ari-arian nila ng mga nakaraang bagyo. Masasabi kong isang malaking pakinabang na ang aking mga magulang mismo ang sumusuporta sa aming pagtulong (na magkakapatid) sa mga taong nangangailangan, lalong lalo na ay sila pa ang lubos na natutuwa sa bawat kapakipakinabang na layon ng aming mga gawa.
Sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataong tumulong, hindi ako nagdadalawang isip. Parte na rin kasi ito ng sistema ko, mga gawing hindi ko na maiaalis dahil sa nakasanayan na. Ngunit sa aking pagninilay, napapaisip ako kung ano pa ang mas malaking pagtulong na maaari kong magawa sa ngalan ng pagtulong sa kapwa, sapagkat batid kong hindi ko pa nababahagi ang iba pang mga lakas at kakayahang mayroon ako.
Isa ako sa mga estudyanteng tinatawag na “GC o grade conscious”, oo aminado ako doon sapagkat ang kahalagahan ng grado bilang isang batayan ng pagkatuto ay lubos kong pinaniniwalaan kung kaya ang kagalingang pang-akademiko ay aking inaalagaan at ipinapanatili. Sa kabilang banda, naniniwala naman ako na isang batayan lamang ng pagkatuto ang mga grado dahil ang aplikasyon ng mga kaalamang ating nakukuha sa apat na sulok ng silid aralan ay isa ring mahalagang batayan. Sa kabila ng aking pagka-“gc”, ako rin ay nangangahas sa alternatibing pagkatuto at aplikasyon ng kaalaman. Historikal ang pagkakilala ng UP bilang pugad ng mga aktibista, mga radikal at mga kritiko ng lahat ng mga pangyayari sa lipunan lalo na sa opresyong hatid ng mga naghaharing-uri. Ang pag-aaral sa kalsada, ang pakikisama sa mga sector ng lipunang lubos na nakararanas ng opresyon, mga mapangahas na aksiyon sa mga hakbang ng gobyerno na walang legal na batayan kundi kabutihan ng iilang may kapangyarihan, at marami pa ay aking kinukundena. Nakakatakot man, ngunit ako ay kasama sa pagsulong ng pakikipaglaban sa mga naghaharing uri na ang layon ay ang pagkakapantay-pantay ng mamamayan. Batid kong matagal maisasakatuparan ang aming layong ito, kung kaya ang pagtulong at pagbawas sa anumang porma ng opresyong hindi maikakailang matatagpuan sa ating lipunan ay lubos ko nag ikinasisiya. Ang simpleng “walk-outs” na nagbigay daan sa mga pagbaba ng presyo ng langis ay isang halimbawa at ang simple at maliit na pagbabagong ito ay nakadadagdag pa ng aking hangaring maging kapaki-pakinabang sa bayan.
Bilang isang miyembro ng burgesya, kung tutuusin, ang mga hakbang na aking itinatahak ay nangangailangan ng lubos na paninindigan at lakas ng loob. Sa batayang pang-ekonomiya, maaari sabihing wala akong maging pakialam sa malaking sektor ng lipunang nakararanas na pinaka-matinding hagupit ng opresyon. Ang aking pamilya ay may kakayahang ibigay ang aming mga pangangailangan, ngunit sa aking kinalalagyan sa lipunan, mahirap ang maging pipi at bingi, higit sa lahat, mahirap ang maging liberal na walang pakialam sa kalagayan ng iba.
Ang aking simpleng pagtulong sa aming simbahan at sa aming maliit na komunidad, hanggang sa aking pakikibahagi sa mga pagkilos na naglalayon ng ikabubuti nating mga Pilipino, lalo na ang ating mga kababayang ang tanging naging kasalanan ay ipanganak ng walang pagmamay-ari ang mga magulang o ang mga sinasabing mga ipinanganak na walang gintong kutsara sa kanilang mga bibig ay ang aking batayan ng pagkamamamayan sa kasalukuyan. Hindi ko pa batid hanggang sa ngayon kung nasa tamang landas ba ako ng kaisipan hinggil sa pagkamamamayan, paka-UPan o iskolar ng bayan at pagka-Pilipino ngunit alam kong sa abot ng aking makakaya, ginagawa ko ang mga bagay na sa aking pananaw ay tama. Lalo pang lumalakas ang aking kalooban dahil dama ko ang suporta ng aking mga magulang at ng aking mga kaparokya.
Ang aking mga plano sa hinaharap ay patuloy parin sa pagbuo. Hindi maikakailang ang pamilya ko ang aking kaunahan sa lahat ng mga pangarap ko. Ngunit, ang kabutihan ng nakararami ay isa ko ring layon sa buhay at ang magkaroon ng bahagi sa layong ito ay isa siguro sa aking mga misyon sa buhay na lubos kong ipinagdadasal at gagampanan gamit ang mga kalakasang ipinagkaloob sa akin ng Maykapal.
Subscribe to:
Posts (Atom)

