sure. basta ba gift. merry christmas emer. ehem!
My Blog List
Search This Blog
Monday, December 20, 2010
What's the worst thing that ever happened to you in Year 2010 so far? :D
i lost a cellphone (and contacts and messages!), a wallet, my loved laptop and my appendics.lol
*i guess 2010 is on its way of being the worst year so far.. but i received lots of blessings though. still positive =)
Pwede bang manligaw ang babae? Tingin mo? Oo naman. unfair pag hindi. at pariyarkal ang sinumang magnenegate sa sagot ko > Haha. Kung sakali, sino liligawan mo? : ))
haha emer. habang sinasagot ko ito, wala akong maisip kung sino. too bad.
Monday, August 30, 2010
kung magvavandal ka, anong isusulat mo at saan?
ang hirap ng tanong kasi pag nag-vandal nga ako, mahuhuli agad ako =p
kung sabihin ng boss mong gumawa ka ng calling card, anong gaagwin mong design ng iyo?
ano ba itong tanong na ito. di ko pa po alam e =P
anung comments niyo sa hostage drama?
di ko masyadong nasubaybayan pero malaki yung pagkukulang ng gobyerno sa pagprevent ng pagkalat at paglala ng pangyayari. walang media blackout at walang available na presidente sa panahong kailangan siya. tulog kasi. haha
eating alone, who do you wish you were having dinner with?
with my papa. we seldom eat dinner together.
given the chance na mag-creative shot ka ulit, anong concept mo?
creative shot ulit? i haven't yet. so far, i want a warrior-like Xena as concept =)
Friday, July 9, 2010
untitled (hanggang sa puntong ito)
mga mata'y patuloy na nagbukas-sara
sa ganitong oras, isa lang ang sigurado
nagising muli si Ika sa lunan na kanyang
iniwan at kinalimutan nang ipikit niya
ang mga mata nang nagdaang gabi
Mayroong maliit na tambol ang patuloy na tumutugtog
doon, doon sa kalaliman ng kanyang dibdib
tunog na kanya pa ring naririnig makailang beses man niyang
utusan ang sariling huwag makinig
isa itong katunayan na siya'y buhay
isang katunayan ng pag-asang baka mabago pa niya
ang mga pagkakamali sa buhay.
Ngunit ano ang kanyang gagawin?
Magsimula.
Kung kailan nasa kalagitnaan si Ika
ng kanyang buhay, ng kanyang mga plano, ng kanyang mga pangarap
o kung kailan nasa gitna siya ng mga kasamang salat sa pandama
at iilan lamang ang nakakaunawa?
Sa bagay, minsan naisip niyang hindi mahirap talikuran ang mga ito,
dahil alam niyang siya ay makakapagsimula muli ng magandang kwento
Pero paano kung laging ganito? Magsisimula kung sa
kalagitnaan ay makikita niyang may mali sa nais niyang kwento?
Ano ang matatapos ni Ika kung laging perpekto?
Kung laging aalalahanin niyang sa bawat kilos ay dapat nasa plano?
Buhay.
Yakapin ang pagiging di-tiyak ng buhay
Magplano man ng magplano, isa ang sigurado,
marami itong madadaanang pagbabago
Si Ika, nais niyang maging malaya,
tumakas sa mundong hindi wari kung nais niya nga ba
o talagang nakasanayan niya na lang naisin
sa huli, ang landas na tahakin ay nakasalalay pa rin kay Ika
sa kanyang desisyon kung magpatuloy ba o muling magsisimula
Tuesday, March 16, 2010
23rd Dance Celebration
Friday, March 12, 2010
STREET FUZION X: Decade, Vision, and Dance
Wednesday, February 3, 2010
Eksam
Minsan na rin kasi akong nakaranas ng hampas. Buti na lang mabilis akong nakailag. Paranoid yun, nakaramdam lang na may tumatakbo sa likuran niya, pakiramdam ay nanakawan na siya. Tinapunan pa ako ng matalas na tingin na animo’y tunay akong mandurukot. Sa itsura naman niya, kung ako ang mandurukot, wala akong balak na taluhin siya.
Labing-tatlong minuto na lang. Nakaakyat na ako sa hagdan. Lahat nagmamadali. Katulad ko, ayaw ring mahuli. Maraming mukha, pero may ilan akong nakikilala. Madalas ko kasing makasalubong sa mga overpass gaya nito. Sa St. Peter ba? sa Litex o sa Batasan? Di ko lubos maalala. Basta may hawak na lata at nakaupo sa gitna. Di ko alam kung pamilyar ba ako sa kanila. Basta sigurado akong lagi ko silang nakakasalamuha.
Sampung minuto. Nakasakay na sa dyip at bumabagtas papasok sa UP. Nainis naman ako. Itong mga taong nakikita ko, wala nang ginawa kundi magmasid mula paa hanggang ulo. Pakiramdam ko nakakasakop sila ng pribadong espasyo. Mga manghuhusgang wala naman sa husgado. Pero pakialam ko. Nagmamadali nga ako.
Marami nang nagbabaan, marami ring pumalit sa mga upuang iniwanan. May mga nag-uusap, may mga nagsisibasa. Naalala ko bigla ang mga tore ng librong iniwan ko. Dapat ko pang matapos ang mga iyon.
Pitong minuto, lima, tatlo. Nasa tapat na ako ng gusaling paroroonan. Ang aking mga paa’y hakbang na lang ng hakbang. ‘Di na naghihintay ng dikta ng isipan. Panaka-naka mang natatapilok dahil sa ngumangawang panyapak, patuloy pa rin sa pagkaripas. Iniisip ang magiging mas malalang kalagayan ‘pag di nakapasok sa pinto sa tamang oras.
Ilang Segundo pa bago mag-alas diyes nang makapasok ako sa pinto. Walang nabago sa iniwan ko. Dahil hindi ako nahuli, may dinatnan pa akong puwesto. Nawala ang aking pagod nang sa wakas ay nakaupo na sa trono.
Gaya ng nakasanayan, ito na, sisimulan ko nang muli ang pangongopya.
Tuesday, February 2, 2010
untitled
Monday, January 4, 2010
Makamasang Wika Bilang Sandata
Mahal ang Filipino
Wika sa Pilipinas at Daigdig
Mapapansin rin ang hayag at diretsong paglalahad ni Ostler ng kasalukuyan at hinaharap ng wikang Ingles na sinasabing naghaharing wika sa kasalukuyan hanggang sa mga sususnod na panahon. Inilahad na ang nasabing wika (at ang French) ay may kaakibat na kapangyarihan, simbulo ng denominasyong kolonyal at higit sa lahat ay susi ng pagkakaroon ng partisispasyon sa globalisasyon dahil sa kulturang moderno at popular. Sa konteksto ng Pilipinas, hayagan ang ganitong katayuan ng wikang Filipino, na sa mahabang panahonay pinaniwalaan at pinaniniwalaang wika ng mga edukado, ng mga pantas bilang ang sentro ng kapangyarihan sa 'ting bansa sa ngayon ay sa kamaynilaan. Ngunit hayag rin na di hamak na mas nakararami ang gumagamit ng wikang Cebuano dito sa ating bansa. Sa ganitong punto pumapasok ang usapin sa kalagayan ng Mandarin Chinese bilang wika. Di hamak na mas marami ang bilang ng mga gumagamit ng wikang Mandarin kung ikukumpara sa mga gumagamit ng Ingles, kung kaya sa paglipas ng panahon, maaaring malagay ang Mandarin sa kasalukuyang katayuan ng Ingles, na posibleng maging karanasan rin ng wikang Filipino at Cebuano sa hinaharap.
Sa ideya rin na ang wika ay maaaring magkaroon ng halaw o bagong porma na ang batayan ay ang lugar ng pagkatuto ay lubos ko ring sinasangayunan. Sa probinsiya ng aking mga magulang, sa aming mga pagbisita roon, napansin kong ang mga batang pumapasok sa eskwelahan lamang ang matatas sa pagsasalita at pag-unawa ng wikang Filipino. Bhagya mang naaapektuhan ang tono ng kanilang pananalta, pagbabaybay at pagbibigay kahulugan ay may bahagyang pagkakaiba sa mga batang namulat at natuto sa mga siyudad ng Kamaynilaan. Kadalasan kasi'y napaghahalo nila ang wikang una nilang natutunan sa wikang Filipino. Kung tutuusin, karamihan sa mga tao sa probinsiya ay sa eskwelahan lamang ginagamit at mas natututunan ang wikang Filipino kaya't hindi lahat ay marunong gumamit nito. Sa kalagayang ito, ang hilagyo ng lugar at antas ng pagtuturo sa mga paaralan bilang institusyon ay natutukoy.
Sa mga nakaraang babasahin hinggil sa wika, kapansin-pansin ang magkaibang atake ng dalawang may-akda (Nicholas Ostler at David Crystal) sa paglalahad ng mga kalagayan ng wika. Si Crystal ay mas natuon sa pagbibibigay at paglalatag ng mga kaalamang napag-aralan na at napatunayan na ng ibang mga linggwistiko at siyentipiko. Kapansin-pansin na walang kamalayan na nanggaling sa may-akda. Habang si Ostler naman ay hayagang tumumbok sa mga kaisipang kanya mismong napag-aralan at naanalisa. Sa mga ideyang nais ipaunawa ng mga manunulat, ang hiwaga ng tunay na kahihinatnan ng mga wika ay tunay paring palaisipan- mawala, hahalawan at panggagalingan man ito ng bagong wika o hindi magbabago sa matagal na panahon.